^

Pang Movies

Inisnab ng mga kaibigan...Beauty Queen, nalasing Sa send-off party

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagkaroon ng send-off party para sa isang beauty queen na lalaban sa pinanalunang international pageant.

Eh naparami ang kanyang inom kaya naman naging tipsy at kung anu-anong sama ng loob sa isang beauty titlist na absent sa kanyang send-off ang lumabas sa kanyang bibig.

Pinauwi na siya ng organizers dahil may tama na ng alcohol at maingay na.

Inakalang kaibigan ng beauty queen ang dating nakasamang winners. Pero wala silang lahat upang magbigay man lang ng masayang paalam at good luck sa pageant na kanyang lalahukan!

Lovi, balanseng-balanse ang buhay!

Ang ganda-ganda ni Lovi Poe nang mag-renew muli ng kontrata bilang brand ambassador ng SCD beauty at slimming products. Present din sa contract signing ang CEO na si Grace Angeles.

Eh malaking tulong sa pagiging artista ni Lovi ang products ng SCD kaya naman todo ang tulong niya sa promotions gaya ng pinuntahan niya sa Baguio.

Kahit malaking artista at maraming movie projects at may asawa, hindi pa rin nakalimutan ang showbiz lalo na sa nagtiwala sa kanya gaya ng manager niyang si Leo Dominguez at Mother Lily and Roselle Monteverde ng Regal Entertainment.

Si Lovi ang artistang nagagawang pagsabayin ang married life at showbiz kaya naman isa ito sa assets niyang nakakahanga, huh!

Congratulations, Lovi and Grace and SCD (Skin Care Depo)!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with