Lady Red Spikers pinabagsak ng Lady Chiefs
MANILA, Philippines — Pinabagsak ng Arellano University ang San Beda University, 25-19, 25-19, 25-18, sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.
Itinaas ng Lady Chiefs ang kanilang baraha sa 2-2 at inihulog ang Lady Red Spikers sa 1-3 marka.
Pumalo si Moming Padillon ng 12 points para pamunuan ang Arellano, habang may 11 at 10 markers sina Dodee Batindaan at Mauie Magaling, ayon sa pagkakasunod.
Nabalewala naman ang hinataw na 21 points ni Angel Habacon sa panig ng San Beda.
Samantala, tinusok ng Letran ang Jose Rizal, 25-16, 25-19, 25-19.
Dumiretso ang Lady Knights sa pagtatala ng 4-0 record para sosyohan sa liderato ang back-to-back champions St. Benilde Lady Blazers.
Laglag ang Lady Bombers sa 1-3 baraha.
- Latest