^

PSN Palaro

Fuel Masters ligwak sa Magnolia Hotshots

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Fuel Masters ligwak sa Magnolia Hotshots
Pumuwer sa si Magnolia Hotshots center Ian Sangalang laban sa depensa ng Phoenix Fuel Masters.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Magnolia ang ikalawang dikit na pa­nalo matapos gibain ang Phoenix, 107-93, sa Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtumpok si guard Mark Barroca ng 27 points kasama ang apat na three-point shots para sa 3-2 ba­raha ng Hotshots.

Humakot si 6-foot-8 center Ian Sangalang ng 23 markers, 9 rebounds, 5 assists at 1 block, habang may  13 at 11 points sina Jio Ja­lalon at Joseph Eriobu, ayon sa pagkakasunod.

Binanderahan ni RJ Ja­zul ang Fuel Masters, lag­lag sa 2-5 marka, sa kan­yang 21 points tampok ang limang triples.

Nag-ambag si rookie forward Ken Tuffin ng 17 mar­kers at may 16 at 11 points sina Jason Perkins at Javee Mocon, ayon sa pag­kakahilera.

Lumayo ang Magnolia sa 30-18 sa pagbungad ng second period bago nag­sal­pak ang Phoenix ng isang 21-2 atake para aga­win ang 39-32 bentahe sa 5:42 minuto nito.

Tinapos ng Fuel Masters ang first half bitbit ang 57-47 kalamangan.

Bumida naman sina Bar­roca at Sangalang sa third quarter para ibigay sa Hotshots ang 79-77 abante sa pagtatapos nito.

Isang 17-3 bomba ang ini­hulog ng Magnolia para iposte ang 96-80 kalama­ngan sa 6:21 minuto ng fi­nal canto.

Tuluyan nang nabaon ang Phoenix sa 85-103.

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with