^

PSN Palaro

Kai Sotto nagpasiklab na naman sa Japan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muli na namang nagtala ng career-high si Gilas Pilipinas standout Kai Sotto na Asian import ng Yokohama B-Corsairs sa Japan B. League.

Umiskor ang Pinoy cager ng 28 puntos suba­lit nasayang lamang ito matapos yumuko ang Yokohama sa Alvark Tokyo sa iskor na 75-81 sa larong ginanap sa Yokohama International Pool.

Nagrehistro si Sotto ng impresibong 12-of-15 shooting clip kasama pa ang anim na rebounds.

Nagawa ito ni Sotto kontra sa No. 2  team Alvark na may 38-9 rekord sa East district.

Sa kabilang banda, nahulog ang Yokohama sa 21-26 marka para magkasya sa ikaanim sa Naka district.

Nalampasan ni Sotto ang career-high nito na 26 points na nakuha nito sa 90-85 overtime win ng Yokohama kontra sa Chiba Jets noong Pebrero.

Sa huling laro ng Yokohama, mayroong ave­rages na 16.2 points at 6.8 rebounds ang dating Ateneo standout.

Muling aariba si Sotto kung saan pakay ng Yokohama na makabawi sa Alvark sa kanilang ikalawang laro na nakatakda Linggo ng gabi. 

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with