Davis, James binanderahan ang panalo ng Lakers sa Pacers
LOS ANGELES — Humakot si Anthony Davis ng 36 points at 16 rebounds para banderahan ang Lakers sa 150-145 paggupo sa Indiana Pacers.
Kumolekta si LeBron James ng 26 points at 10 assists para sa highest-scoring performance ng Los Angeles (39-32) sa loob ng 37 taon.
May 26 markers din si Spencer Dinwiddie, habang may 25 points si Austin Reaves.
Pinangunahan ni Pascal Siakam ang Indiana (40-32) sa kanyang 36 points at may 20, 17 at 12 markers sina Myles Turner, TJ McConnell at Tyrese Haliburton, ayon sa pagkakasunod.
Inilista ng Lakers ang 116-99 papasok sa fourth quarter, ngunit nakalapit sa tatlong puntos ang Pacers mula sa kanilang 46-point final period.
Sa Milwaukee, nagsumite si Giannis Antetokounmpo ng 30 points at season-high 19 rebounds, habang inilista ni Khris Middleton ang ikalawa niyang career triple-double sa tinapos na 11 points, 10 rebounds at 10 assists sa 118-93 paggiba ng Bucks (46-25) sa Oklahoma City Thunder (49-21).
Sa Minneapolis, tumipa si Anthony Edwards ng 23 points kasama ang tatlong free throws sa huling 12 segundo sa 114-110 paglusot ng Minnesota Timberwolves (49-22) sa Golden State Warriors (36-34).
Sa Los Angeles, umiskor si Tobias Harris ng 24 points, samantalang kinamada ni Tyrese Maxey ang19 sa kanyang 24 markers sa second half para gabayan ang Philadelphia 76ers (39-32) sa 121-107 pagpapatumba sa Clippers (44-26).
Sa Miami, humataw si Haywood Highsmith ng 18 points para tulungan ang Heat (39-32) sa 121-84 pagsunog sa Cleveland Cavaliers (43-28).
Sa Detroit, nagpasabog si Zion Williamson ng 36 points para pangunahan ang New Orleans Pelicans (44-27) sa 114-101 paggiba sa Pistons (12-59).
- Latest