^

PSN Palaro

3-0!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Nanganganib ang LA Lakers at kung dehins mag-milagro, sasamahan nila ang Golden State Warriors -- sa kangkungan.

Out na ang Warriors. Dehins umabot sa playoffs. At ngayon, Lakers ang 0-3 kontra Denver Nuggets, ang defending champions sa NBA.

Mamaya ang Game 4 sa teritoryo ni LeBron James. Kung olats na naman, goodbye sa season ang tanders na superstar.

Kung manalo ang LA, may chance kahit napakaliit. Wala pang NBA team ang nakabangon sa 0-3 deficit para manalo ng serye.

Sa PBA, nagawa na ito ng San Miguel kontra Alaska sa finals ng 2016 Philippine Cup. Pero iba ang PBA sa NBA.

Isa pa, mukhang dehins talaga kaya ng Lakers ang Nuggets. Mula noong 2022, olats ang LA sa 11 games kontra Denver.

Sa Western Conference finals last year, na-sweep ng Denver ang LA, 4-0. Parang replay this year.

Pero manalig kayo, Lakers fans. Malay mo, ta­maan ng trangkaso ang buong Denver team at ma-default.

Joke only.

Dehins nawawalan ng pag-asa si LeBron. Sabi niya, kailangan nilang ipanalo ang game mamaya para may Game 5.

Habang may buhay, may chance para sa NBA legend na kuwarenta anyos na sa December.

Bilang na ang playing days niya.

May panalangin pala ang kaibigan kong si Tony Bergs:  ipalabas ng live ang Lakers game sa NBA TV.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with