^

PSN Palaro

Solidong Gilas lineup ipaparada sa Olympic qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Plano ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na iparada ang solidong front court sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na idaraos sa Hulyo sa Riga, Latvia.

Nais ni Cone na pagsabay-sabayin sina bigmen Jun Mar Fajardo, AJ Edu at Kai Sotto sa Olympic qualifiers.

Umaasa si Cone na ma­giging healthy ang tatlo sa oras na sumabak ang Gilas  sa Olympic qualifiers.

Hindi nakapaglaro sina Fajardo at Edu sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers dahil pareho itong nagpapagaling sa kani-kanyang injury.

“When we get to that European level, June Mar Fajardo and Kai Sotto are going to play together. AJ Edu and Kai are going to play together,” ani Cone.

Malaking tulong sina Fajardo, Edu at Sotto lalo pa’t malalaki ang makakalaban ng Gilas sa Olympic qualifiers.

Sa pagkawala nina Fajardo at Edu sa first window ng qualifiers, dinomina ni Sotto ang dalawang laro ng Gilas Pilipinas kung saan nagtala ito ng averages na 15.5 at 14.0 rebounds.

Magarbo rin ang pagbabalik ni naturalized player Justin Brownlee, na may sariling double-double a­verages na 21 points at 10 rebounds.

“We have to bunch the big guys together when we play the European teams and that’s something, we’ve gonna have to learn as we go along,” ani Cone.

Nakatakdang sumalang sa ensayo ang Gilas ilang araw bago ang Olympic qualifiers.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with