^

PSN Palaro

Collegiate at pro teams hahataw sa PNVF

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Collegiate at pro teams hahataw sa PNVF
Ang mga players, coaches at PNVF officials sa press conference para sa Champions League na hahataw bukas sa RMC.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines —  Magtutuos ang mga collegiate at club teams sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League na ha­hataw bukas sa Rizal Me­morial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Babanderahan ng two-time NCAA champions College of St. Benilde ang wo­men’s division, habang mag­papakita ng lakas ang mga professional squads na Cigna HD, Cignal, Che­ry Tiggo at Petro Gazz bu­kod sa Philippine Army.

“We’re excited to start the year with a bang. We want to start it with good intentions and we also want to learn from the young ones,” ani veteran spiker Aby Maraño na bagong hugot ng Crossovers mula sa binuwag na F2 Logistics Cargo Movers.

Ang torneo ay gagamitin ng Cignal, Chery Tiggo at Petro Gazz para sa darating na Premier Volleyball League (PVL).

Unang magtutuos ang Petro Gazz at Army sa alas-3:30 ng hapon kasunod ang bakabakan ng Cignal at Chery Tiggo sa alas-6 ng gabi.

Isasaere nang LIVE ang Champions League matches sa One Sports at One Sports+ at ila-livestream sa Pilipinas Live at delayed basis sa Cignal.

Sasalang naman sa Pool A ng men’s side ang Cignal, Coast Guard-Navy, Savouge Spin Doctors at St. Benilde at nasa Pool B ang VNS Asereht, Iloilo D’Navigators, Air Force at Ar­my.

vuukle comment

PNVF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with