Hidilyn masaya sa Asiad performance
MANILA, Philippines — Sa kabila ng kabiguang makasungkit ng medalya sa 19th Asian Games, nakataas pa rin ang noo ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.
Malaking karangalan para kay Diaz na katawanin ang bansa sa mga international competitions at makapagbigay ng karangalan sa sambayanang Pilipino.
“I may have missed bringing a medal for the Philippines at the #AsianGames, but to represent our country means so much to me,” ani Diaz sa kanyang post sa social media.
Hindi pinalad na makapasok sa podium si Diaz sa women’s 59 kg weight class.
Ito ang bagong weight class ni Diaz na siya ring magiging event nito sa Paris Olympics.
“The experience was priceless and the preparation for 3 weeks after my debut in a new weight class at the World Championships in Riyadh for me has improved,” ani Diaz.
Hindi man naka-medal, masaya pa rin si Diaz sa performance nito.
At magandang experience ito para sa kanyang paghahanda para sa Paris Olympics.
“I was able to try to lift 100 kilograms (snatch) and 131 kg (clean and jerk), and though I didn’t hit it in Hangzhou, I’m still pleased with the outcome,” ani Diaz.
Nagpasalamat si Diaz sa lahat ng sumuporta sa kanya partikular na ang Team HD na pinangungunahan ng kanyang husband-coach na si Julius Naranjo.
Desidido si Diaz na makaresbak sa 2024 Paris Olympics.
- Latest