Top fencer Esteban lumipat sa Ivory Coast
MANILA, Philippines — Nabangasan na naman ang Team Philippines ng isang mahusay na atleta matapos magpasya si top fencer Maxine Esteban na magpalit ng nationality.
Sa susunod na sumalang sa international stage si Esteban, ang bansang Ivory Coast na ang kakatawanin nito.
Kasalukuyang No. 84 sa world ranking si Esteban. Ito ang pinakamataas na ranking ng isang Pinoy fencer.
Umaasa si Esteban na makakapasok ito sa 2024 Olympic Games na gaganapin sa Paris, France.
Pormal nang ipinaalam ni Esteban ang lahat sa Philippine Fencing Association (PFA).
Inaprubahan naman ito ng PFA at umaasang hindi na kakailanganin pa ni Esteban na sumailalim sa three-year residency na requirement ng international fencing federation (FIE).
Nagpadala na ng sulat ang PFA sa FIE para ipaabot ang suporta nito.
“We support her change of nationality representation to Côte d’Ivoire (Ivory Coast) where she is also a naturalized citizen,” ani PFA president Richard Gomez.
Bagamat hindi na Pilipinas ang kakatawanin nito, hangad ng PFA ang tagumpay ni Esteban.
Si Esteban ay isa lamang sa mga top Pinoy athletes na nagpalit ng nationality.
Una na si chess master Wesley So na bahagi na ng USA at golf champion Yuka Saso na kasalukuyan nang miyembro ng Japan.
Napaulat din ang planong pagpapalit ng nationality ni volleyball star Jaja Santiago na nais maglaro para sa Japan.
Sumulat na rin si Esteban sa Philippine Olympic Committee para ipaalam ito.
- Latest