^

PSN Palaro

Cavs tumusok ng playoff spot

Pilipino Star Ngayon

Cleveland — Humakot si center Jarrett Allen ng 24 points at 14 rebounds habang may 22 markers si Donovan Mitchell sa 108-91 pagpapasabog sa Houston Rockets.

Inangkin ng Cleveland (48-28) ang isang playoff spot sa Eastern Confe­rence sa unang pagkakataon matapos noong 2018 at lumapit sa pagkopo sa No. 4 berth para sa home-court advantage sa first round.

Nagdagdag si Evan Mobley ng 19 points kasunod ang 17 markers ni Darius Garland.

Umiskor si Fil-Am guard Jalen Green ng 30 points para sa Houston (18-57).

Sa Los Angeles, nagsalpak si Zach LaVine ng 32 points sa 118-108 panalo ng Chicago Bulls (36-38) sa Lakers (37-38) para idiskaril ang muling paglalaro ni LeBron James.

Sa Boston, nagpaputok si Jaylen Brown ng 41 points at humablot ng 13 rebounds para sa 137-93 paggupo ng Celtics (52-23) sa San Antonio Spurs (19-56).

Sa San Francisco, ipinasok ni Karl-Anthony Towns ang isang go-ahead triple sa huling 11 segundo sa 99-96 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (38-37) sa Golden State Warriors (39-37).

Sa Charlotte, kumamada si Gordon Hayward ng 22 points at naglista si P.J. Washington ng 21 points at 12 rebounds sa 110-104 pagdaig ng Hornets (25-51) sa Dallas Mavericks (36-39).

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with