^

PSN Palaro

Pablo ipaparada ng Movers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pablo ipaparada ng Movers
Mika Reyes ng PLDT. and Aby Maraño ng F2 Logistics
File

MANILA, Philippines — Apat na koponan ang mag-uunahang makasikwat ng unang panalo sa pag­papatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference nga­yong araw sa Philsports Are­na sa Pasig City.

Magtutuos sa unang la­ro sa alas-4 ang F2 Logistics at PLDT Home Fibr ,habang aariba naman ang Chery Tiggo kontra sa Cignal sa alas-6:30 ng gabi.

Excited na si outside hitter Myla Pablo na humataw suot ang jersey ng Cargo Movers kasama sina Majoy Baron, Aby Marano, Kim Dy, Kim Fajardo, Iris To­lenado at Ivy Lacsina.

Nariyan pa si libero Dawn Macandili at ang nagbabalik na si Cha Cruz-Be­hag.

Ipaparada rin ng Cargo Movers si veteran mentor Regine Diego na siyang humalili kay dating head coach Ramil de Jesus.

“I can say the girls are going to be 100 percent healthy but the peak form, nobody can say that. We’re trying our best to manage whatever it is we can manage for this conference and to prevent those injuries to recur again,” ani Diego.

Sa kabilang banda, may bagong coach din ang High Speed Hitters sa ngalan ni Rald Ricafort.

Kukuha ito ng lakas mula kina middle bockers Mika Reyes at Dell Palomata kasama si veteran playmaker Rhea Dimaculangan, Jovie Prado at Jules Samonte.

Hinugot pa ng High Speed Hitters sina Ysa Jimenez ng University of Santo Tomas at Michelle Morente ng Philippine Army-Black Mamba.

“We consider all teams as contenders. It’s a matter of kung sino maka-sustain iyong magandang performance from start until the end iyon talaga iyong ano. For us at PLDT, we will challenge every opponent and we will spring surprises,” sabi ni High Speed Hitters assistant coach Arnold Laniog.

Panalo kaagad ang Cho­co Mucho laban sa Aka­ri, 25-15, 25-20, 25-20, ga­yundin ang nagdedepensang Creamline laban sa Petro Gazz, 25-18, 25-20, 25-22, sa pagbubukas ng torneo noong Sabado sa Smart Araneta Colise­um.  

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with