^

PSN Palaro

Hotshots, Dragons nakatutok sa semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang semifinals berth ang puntirya ng Bay Area at Magnolia sa kani-kanilang quarterfinal game sa 2022 PBA Commissioner’s Cup.

Lalabanan ng No. 1 Dragons ang No. 8 Rain or Shine Elasto Painters ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng No. 2 Hotshots at No. 7 Phoenix Fuel Masters sa alas-5:45 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Armado ng ‘twice-to-beat’ advantage ang Bay Area at Magnolia laban sa Rain or Shine at Phoenix, ayon sa pagkakasunod, sa quarterfinals.

At isang panalo lang ang kailangan nila para umabante sa best-of-five semifinals series.

“We achieved iyong goal namin na makarating sa twice-to-beat, and the next goal is iyong makara­ting sa next step which is the semis,” ani Hotshots’ coach Chito Victolero sa pagharap nila sa Fuel Masters.

Samantala, muling ipa­parada ng Dragons si da­ting NBA player Andrew Nicholson sa pagharap sa Elasto Painters.

Nagposte ang 6-foot-10 na si Nicholson ng mga averages na 38.5 points at 11.5 rebounds sa kanyang apat na laro para sa Bay Area bilang kapalit ni Myles Powell na inilagay sa injury list.

PBA COMMISSIONER’S CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with