^

PSN Palaro

Ginebra, SMB puro na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra, SMB puro na
Justin Brownlee
STAR / File

MANILA, Philippines — Lumapit ang No. 3 Barangay Ginebra sa pag-usad sa semifinals matapos kunin ang 118-102 panalo sa No. 6 NorthPort sa Game One ng 2022 PBA Commissioner’s Cup quarterfinals series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naghulog si import Justin Brownlee ng 19 sa kanyang 39 points sa third period para banderahan ang Gin Kings sa 1-0 lead sa best-of-three wars nila ng Batang Pier.

“We feel we’re sharing the ball and everybody were involved,” sabi ni coach Tim Cone na nakahugot kina Stanley Pringle, Jamie Malonzo, LA Tenorio at Scottie Thompson ng 16, 13, 12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.

Humataw si Brownlee ng 19 points sa third quarter para ibigay sa Ginebra ang 89-74 abante sa NorthPort sa huling 1:11 minuto nito.

Ang jumper ni Brownlee ang nagtaas sa Gin Kings sa 110-96 sa huling 3:04 minuto ng final canto na hindi na napababa ng Batang Pier.

Sa unang laro, nagsalpak si CJ Perez ng 25 points para pamunuan ang No. 5 San Miguel sa 114-96 paggupo sa No. 4 Converge at kunin ang 1-0 abante sa kanilang serye.

Humakot si import De­von Scott ng 23 markers, 12 rebounds, 5 assists at 3 steals para sa Beermen.

Kumamada si import Quincy Miller ng 41 points kasama ang masamang 4-of-14 shooting sa three-point range sa panig ng FiberXers.

Bumangon ang Converge mula sa 26-point deficit, 65-91, sa pagbubukas ng fourth period para makalapit sa 87-99 sa likod ni Miller sa 6:02 minuto nito.

Subalit isang 10-3 bomba ang inihulog nina Miller at Scott para muling ilayo ang SMB sa 109-90 sa huling 2:57 minuto.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with