^

PSN Palaro

Olympian hinugot ng Chargers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Olympian hinugot ng Chargers
Volleyball stock photo.
Unsplash

MANILA, Philippines — Isang three-time Olympian ang ipaparada ng Akari sa debut campaign nito sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference na papalo sa Oktubre 8.

Desidido ang Chargers na makapagbigay ng ma­gandang impresiyon sa kanilang unang pagsalang sa liga dahil kinuha nito ang serbisyo ni Prisilla Rivera.

Si Rivera ang team captain ng Dominican Republic na nasilayan na sa aksyon sa 2012 London OLympics, 2016 Rio de Janerio Olympics at 2020 Tokyo Olympics.

Kaya naman malalim na ang karanasan ng 37-anyos na nakapaglaro na rin sa iba’t ibang international commercial leagues.

Huli itong nasilayan sa aksyon sa Indonesia kung saan naging import ito ng Jakarta Pertamina Energi.

Bago ang team ng Chargers na binubuo ng mga players na galing sa iba’t ibang collegiate teams.

Kaya naman umaasa ang tropa na mabilis na makakasabay si Rivera sa sistema ng laro ng mga Pinay spikers.

Makakasama ni Rivera sina playmakers Michelle Cobb at Jaja Maraguinot, wing spikers Jhoana Maraguinot, Trisha Ge­nesis, Erika Raagas, Janine Marciano at Lycha Ebon, middle blocker Gen Casugod, at libero Dani Ravena.

Hahawakan ang Chargers ni Brazilian mentor Jorge Souza de Brito.

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with