^

PSN Palaro

PLDT, F2 humugot na ng imports

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PLDT, F2 humugot na ng imports
PLDT High Speed Hitters.
PVL

MANILA, Philippines — Humugot na rin ng imports ang PLDT Home Fibr at F2 Logistics para sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence na papalo sa susunod na buwan.

Kinuha ng High Speed Hitters si Russian outside hitter Elena Savkina-Sa­moilenko na nakapaglaro na sa iba’t ibang liga.

Huling nasilayan sa aksyon si Savkina-Samoi­lenko sa Turkey kung saan kasama nito ang Mersin B.?ehir Bld volleyball squad.

Nakapaglaro na rin si Savkina-Samoilenko sa Russia (Luch Moscow at Proton-Saratov) at France (Le Cannet Volleyball at Municipal Olympique Mougins).

Makakatuwang ng Russian 6-foot-4 spiker sa High Speed Hitters sina Mika Reyes, Dell Palomata at playmaker Rhea Dimaculangan.

Sa kabilang banda, nagparamdam na si American outside hitter Lindsay Stalzer sa kanyang social media account.

May post na si Stalzer na “here we go again” kung saan inaasahang lalapag ito sa Maynila para samahan ang F2 Logistics sa kampanya sa Reinforced Conference.

Sanay na si Lindsay Stalzer sa sistema ng laro sa Pilipinas dahil makailang ulit na itong naging import sa Philippine Superliga.

Una itong naging import ng Cignal HD Spikers noong 2014 bago kinuha ng Foton Tornadoes noong 2015.

Naging reinforcement din si Stalzer ng Petron Blaze Spikers mula 2017 hanggang 2018 bago lumipat sa F2 Logistics noong 2019 at 2020.

Nagkampeon na ito kasama ang Foton noong 2015 at 2016, at ang Petron noong 2018.

PLDT

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with