Hidilyn muling magsasanay sa Malaysia

MANILA, Philippines — Itinuring nang isang kapamilya, mainit na sinalubong si 2021 Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz ng mga bagong kaibigan sa kanyang pagbabalik sa Malaysia para muling magsanay.
Muling magte-training si Diaz sa Malacca, Malaysia kung saan siya naghanda para sa pagbuhat sa kauna-unahang Olympic gold ng Pilipinas noong nakaraang Hulyo.
“First of all, I just want to say that Malaysia has also played a part in helping me win this gold,” wika ng 30-anyos na national weightlifter na ipinakita ang kanyang Olympic gold medal.
Paghahandaan ni Diaz, katuwang ang kanyang fiance na si strength and conditioning coach Julius Naranjo, ang darating na 2021 World Weightlifting Championships sa Tashkent Uzbekistan sa Disyembre 7-17.
Bukod sa world championships ay sasalang din ang tubong Zamboanga City sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre.
Matapos ang nasabing mga torneo ay pag-iisipan ni Diaz kung muli siyang lalahok sa Olympics sa Paris, France sa 2024.
- Latest




















