^

PSN Palaro

Philippine Cup Finals tatapusin sa Bacolor

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinasura na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang naunang planong ibalik sa Ynares Sports Arena sa Pasig City ang championships series ng 2021 Philippine Cup.

Ito ay sa kabila ng pagluluwag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa ipinatutupad na health and safety protocols sa Metro Manila dahil sa pagbaba ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na itutuloy na lamang nila at tatapusin ang best-of-seven titular showdown ng TNT Tropang Giga at Magnolia sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nagmula ang liga sa Pasig City venue noong Hulyo hanggang Agosto bago inilipat ang mga laro sa Bacolor, Pampanga noong Setyembre dahil sa paglobo ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila.

Isang buwan natengga ang torneo bago pinayagan ng IATF sa isang semi-bubble concept sa Bacolor, Pampanga noong Set­yembre 1.

Payag ang IATF na ibalik ng PBA ang torneo sa Pasig City ngunit sa ilalim ng full bubble format kagaya ng ginamit sa Clark, Pampanga noong nakaraang taon kung saan nagkampeon ang Barangay Ginebra laban sa TNT sa Philippine Cup.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with