^

PSN Palaro

Rookie Mikey Williams OK na sa TNT Tropang Giga

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Rookie Mikey Williams OK na sa TNT Tropang Giga
Mikey Williams
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mahigit isang buwan matapos ang PBA Annual Rookie Draft, sa wakas ay pumirma na ng kontrata si Filipino-American Mikey Williams sa TNT Tropang Giga.

Kinumpirma ni Tropang Giga team manager Gabby Cui na binigyan si Williams ng two-year contract ngunit hindi isiniwalat ng management ang iba pang detalye ng kontrata.

Nasa Amerika pa si Williams ngunit inaasahang darating ito sa Pilipinas anumang araw mula ngayon upang makasama ang Tropang Giga sa training camp bilang paghahanda sa PBA Season 46.

Ang 27-anyos na si WIlliams ang fourth pick overall sa Rookie Draft ng TNT noong nakaraang buwan.

Si Williams ang inaasahang papalit sa nabakanteng puwesto ni Bobby Ray Parks Jr. na nagpasyang lumiban muna sa season na ito dahil sa personal na kadahilanan.

Makakatuwang ni Williams sa Tropang Giga sina veterans Jayson Castro at Roger Pogoy.

Malalim na ang karanasan ni Williams dahil nasila-yan ito sa NBA G League at nakapaglaro na rin sa ilang international tournaments kasama ang Mighty Sports.

Masaya si Williams sa kontratang natanggap nito.

Nag-post pa ito ng Instagram story upang ipagdiwang ang kanyang opsiyal na pagpasok sa Tropang Giga.

“It’s a celebration,” ani Williams sa post nitong video na may masasarap na pagkain at alak bilang selebras-yon.

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with