^

PSN Palaro

Mau kumpirmadong lalaro sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mau kumpirmadong lalaro sa PVL
Kalei Mau
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang duda na F2 Logistics ang isa sa pinakamalakas na koponan sa pagbabalik-aksyon ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

Kinumpirma ni Filipino-American Kalei Mau na nakatakda itong bumalik sa bansa para makasama ang Cargo Movers sa kampanya nito sa Open Conference.

Sa huling bahagi ng Marso ang puntiryang pagbabalik ng 6-foot-2 outside hitter na manggagaling sa mahabang bakasyon sa Hawaii.

Isang statement ang inilabas ni Mau sa kanyang Twitter account upang sagutin ang katanungan ng mga fans nito sa social media kung maglalaro pa ba ito ngayong lumipat na ang Cargo Movers sa PVL.

“Many of you are wondering if I will return to the Philippines to play in the upcoming conference with F2 Logistics in the PVL. The answer is yes,” ani Mau.

Isa sa requirement ng PVL ang pagkakaroon ng Philippine passport sa lahat ng sinumang Fil-Am pla­yers na nais maglaro sa liga.

At pasok dito si Mau na nakakuha ng Philippine passport noong 2019.

“I’m preparing for my return at the end of this month. Enjoying my last weeks in my beautiful Hawaii,” dagdag ni Mau.

Maaaring mas mapaaga pa ang pag-uwi ni Mau dahil sasailalim pa ito sa 14 day quarantine pagdating nito sa Manila bilang pagsunod sa requirement ng Inter-Agency Task Force.

Sa oras na matapos ang 14 day quarantine, saka lamang ito makakapag-ensayo kasama ang Cargo Movers.

Papalo ang Open Conference sa Mayo 8 sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with