De Luna sumargo ng 2 titulo sa Florida
Jeffrey De Luna
STAR/File

De Luna sumargo ng 2 titulo sa Florida

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilatag ni Jeffrey De Luna ang matikas na ratsada upang masungkit ang dalawang korona — 9-Ball at 10-Ball divisions —ng 1st Annual Meucci Classic 10-Ball Division na ginanap sa Racks Billiards Sports Bar and Pizzeria sa Sanford, Florida.

Inilabas ni De Luna ang husay nito sa 9-Ball nang pataubin  si BJ Ussery ng Amerika sa finals para maibulsa ang $3,500 top purse.

Nagkasya lamang sa $1,500 konsolasyon si Ussery.

Muling umarangkada si De Luna sa 10-Ball nang gapiin nito ang kababayang si Roberto Gomez sa all-Filipino championship round para makuha ang ikalawang sunod na korona.

Napasakamay ni De Luna ang tumataginting na $6,000 premyo habang hindi naman uuwing luhaan si Gomez dahil nakamit nito ang $3,500 konsolasyon.

Nakumpleto ni dating world champion Dennis Orcollo ang 1-2-3 finish ng Pinoy cue masters matapos masikwat ang third place para sa $2,500 konsolasyon.

JEFFREY DE LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with