^

PSN Palaro

Wala munang trade — Marcial

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Wala nang pahihintulutang anumang trades simula ngayong araw hanggang matapos ang PBA Season 45 Philippines Cup na target na simulan sa Oktubre 9 sa Clark, Pampanga.

Ito ang inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial kung saan wala munang palitan ng players habang nasa loob ng bubble.

Tanging free agents signings at contract extensions na lamang muna ang papayagan ng pamunuan ng liga.

Ngayong araw ang huling araw ng pagsusumite ng final lineup para sa PBA bubble.

“No trades na for this season. Ang deadline ng final lineup is September 23 kaya sinabi ko (sa mga teams) na wala nang trades muna kasi final na ‘yung lineup. Hindi pwedeng magpalit-palit,” ani Marcial sa Sports Page program.

Magiging mahigpit din ang PBA sa pagpasok sa bubble.

Lahat ng players, coaches, officials at team staff ay kailangang nasa loob na ng bubble bago magsimula ang pagbabalik-aksyon sa Oktubre 9. Hindi na papapasukin ang mga male-late sa pagpasok.

“October 8, 11:59 ng gabi kailangan nakapasok ka na. Kung hindi ka pa nakapasok nun, hindi ka na makakapasok,” ani Marcial.

Hindi nilinaw ni Marcial kung gagayahin nito ang isa sa patakaran ng NBA bubble kung saan ang mga male-late na players ay isinasailalim muna sa swab testing at quarantine period bago muling makabalik sa bubble.

Halimbawa nito si Zion Williamson ng Pelicans na hindi agad nakasama sa bubble dahil sa personal na problema sa pamilya.

Subalit nakapasok din ito sa bubble para samahan ang kanyang tropa matapos sumailalim sa swab testing at quarantine.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with