Painters nagpalakas sa quarters
MANILA, Philippines — Sa pangatlong sunod na pagkakataon ay muling nabigo ang Hotshots na maibulsa ang pang-limang tiket sa quarterfinal round.
Humataw si big man Beau Belga ng 22 points tampok ang 4-of-9 shooting sa three-point line para tulungan ang Rain or Shine sa 86-82 panalo laban sa Magnolia sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Humakot ang bagong import na si Carl Montgomery ng 20 points, 12 rebounds, 4 assists, 2 blocks at 2 steals sa kanyang debut game, habang may 14 markers si Ed Daquioag.
Sumosyo ang Elasto Painters sa Hotshots sa ikaapat na puwesto sa magkatulad nilang 5-5 baraha.
Itinayo ng Magnolia ang 12-point lead, 33-21, mula sa basket ni Rome Dela Rosa sa huling 3:33 minuto ng second quarter.
Ngunit naghulog ng 17-8 bomba ang Rain or Shine para agawin ang 52-49 abante sa 6:57 minuto ng third period patungo sa pagtatayo ng 11-point advantage, 80-69, sa 7:05 minuto ng final canto.
Kumonekta naman ng tatlong triples sina Mark Barroca at Jio Jalalon kasunod ang basket ni Ian Sangalang, umiskor ng 22 points, para ilapit ang Magnolia sa 80-84 sa natitirang 1:31 minuto ng laro.
Isinalpak ni Gabe Norwood ang dalawang free throws sa huling 9.2 segundo para selyuhan ang panalo ng Elasto Painters.
Para makuha ang tiket sa eight-team quarterfinals ay kailangang talunin ng Rain or Shine ang San Miguel sa Sabado sa Cagayan de Oro City.
“Sabi ni coach Caloy (Garcia) whatever happens kapag ibinigay namin ‘yung 100 percent namin hindi kami magre-regret sa magiging resulta,” pahayag ni Belga. “Hopefully, manalo kami sa San Miguel.”
- Latest