^

PSN Palaro

Lady Eagles ikinasa ang PVL semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Eagles ikinasa ang PVL semis
Naasahan ng Lady E­agles sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon at opposite hitter Kat Tolentino na siyang bumandera sa matikas na ratsada ng Ateneo na sumulong sa 10-3 marka.
www.facebook.com/Fabilioh

MANILA, Philippines — Naitarak ng Ateneo ang 25-23, 16-25, 25-14, 25-20 desisyon laban sa Adamson University para angkinin ang unang silya sa semis sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naasahan ng Lady E­agles sina middle blockers Maddie Madayag at Bea De Leon at opposite hitter Kat Tolentino na siyang bumandera sa matikas na ratsada ng Ateneo na sumulong sa 10-3 marka.

Nagbigay ng solidong suporta sina Vanessa Gandler at Jules Samonte gayundin sina playmaker Deanna Wong at libero Dani Ravena para ma­karesbak ang kanilang tropa sa masaklap na straight-set loss noong Sabado laban sa BanKo Perlas.

Mainit ang palitan ng malulupit na atake gayundin ng matatalim na staredown ng ilang manlalaro ngunit mas umangat ang laro ng Ateneo sa huli para masiguro ang panalo.

Nakaungos ang Adamson sa fourth set, 16-18  subalit pinakawalan ng Ateneo ang 4-0 run sa likod nina Samonte at Gandler para makalayo sa 20-18.

Sinubukang makabawi ng Lady Falcons nang hatawin ni Bernadeth Flora ang down-the-line hit para makadikit sa 19-20.

Agad na sumagot si Gandler ng cross court hit kasunod ang ace ni Madayag at middle attack ni De Leon na sinabayan ng error ng Adamson para sa 24-19 tungo sa panalo.

Wala pa ring naipa­panalong laro ang Lady Falcons na umani ng ika-10 sunod na kabiguan.

Sa Ibalong Centrum for Recreation sa Legazpi City, nanaig ang Creamline sa Pocari-Air Force sa bendis­yon ng pukpukang 23-25, 25-21, 25-20, 22-25, 15-8 panalo para makalapit sa semis spot.

Nagtulong sina Alyssa Valdez, Michele Gumabao at Jema Galanza para dalhin ang Cool Smashers sa ikawalong panalo sa 10 laro.

Nahulog sa No. 5 ang Lady Warriors na lumasap ng ikaanim na kabiguan laban sa limang panalo. 

Nagtala sina Valdez at Galanza ng pinagsamang 37 hits habang nakalikom si Gumabao ng 16 markers kabilang ang ilang krusyal na aces sa fifth set.

Nagdagdag naman si Filipino-Japanese Risa Sato ng 13 puntos para sa Cool Smashers.

Nanguna sa panig ng Lady Warriors si dating MVP Myla Pablo na may 22 points samantalang nagtulong sina Del Palomata at Jeanette Panaga sa pagkolekta ng 28 points.

Solido ang net defense ng Lady Warriors tangan ang 13-3 bentahe.

Ngunit dinomina ng Cool Smashers ang attack line matapos magbaon ng 64 kills kumpara sa 53 ng Lady Warriors.

vuukle comment

ATENEO

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with