^

PSN Palaro

Paalam, Ladon sigurado na sa tanso

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Paalam, Ladon sigurado na sa tanso
Nagtala si Paalam ng 4-1 panalo laban kay Termitas Zhussupov ng Kazakhstan sa men's 46-49kg light flyweight quarterfinals kahapon habang kinailangang paghirapan ng Olympian na si Ladon ang kanyang panalo matapos ang 3-1 split decision win kontra kay Azat Mahmetov ng Kazakhstan kamakalawa ng gabi.

JAKARTA -- May dalawa nang Pinoy boxers na nakapasok sa semifinals para makasiguro ng dalawang bronze ang 8-man Phl boxing team dito sa 18th Asian Games sa kompetisyong ginaganap sa Jakarta International Expo.

Pasok na sa semifinals sina Carlo Paalam at Rogen Ladon matapos makalusot sa kani-kanilang quarterfinal matches at may pag-asa silang mabigyan ng silver o gold ang Pinas.

Nagtala si Paalam ng 4-1 panalo laban kay Termitas Zhussupov ng Kazakhstan sa men's 46-49kg light flyweight quarterfinals kahapon habang kinailangang paghirapan ng Olympian na si Ladon ang kanyang panalo matapos ang 3-1 split decision win kontra kay Azat Mahmetov ng Kazakhstan kamakalawa ng gabi.

Susunod na kalaban ng 24-gulang na si Ladon bukas ang Thailander na si  Yuttapong Tongdee habang delikado naman si Paalam dahil ang hometown bet ng host Indonesia na si Amit ang kanyang kasuntukan bukas ng alas-2:15 (3:15 Manila time)

Kasalukuyan pang lumalaban si Eumir Felix Marcial sa men’s 75kgs quarterfinals kagabi laban kay Jinjae Kim ng Korea.

CARLO PAALAM

ROGEN LADON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with