^

PSN Palaro

Stallone tiwalang matutuloy ang Pacman-M’weather 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Stallone tiwalang matutuloy ang Pacman-M�weather 2
“I think it’s about 99% certain it’s gonna happen,” sabi ni Stallone sa panayam ng website na TMZ hinggil sa naturang ikalawang bakbakan nina Pacquiao at Mayweather.
AP/File

MANILA, Philippines — Maski si Hollywood superstar Sylvester Stallone ay naniniwalang maitatakda ang rematch nina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at retirado nang si Floyd Mayweather Jr.

“I think it’s about 99% certain it’s gonna happen,” sabi ni Stallone sa panayam ng website na TMZ hinggil sa naturang ikalawang bakbakan nina Pacquiao at Mayweather.

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo 2, 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Matapos ang naturang laban ay ibinunyag ni Pacquiao na mayroon siyang right shoulder injury na nangyari dalawang linggo bago ang kanilang salpukan ni Mayweather.

Ayon kay Stallone, gumanap na ‘Rocky Balboa’ sa pelikula, ang rematch ng 39-anyos na si Pacquiao at ng 42-anyos na si Mayweather ay muling kakagatin ng mga boxing fans sa buong mundo.

Nagmula si Pacquiao sa isang seventh-round TKO victory laban kay Lucas Matthysse para agawin sa Argentine ang suot nitong WBA welterweight crown noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Wala pang pahayag si Pacquiao kung sino ang gusto niyang labanan sa muli niyang pag-entra sa boxing ring sa Dec.  2.  

vuukle comment

SYLVESTER STALLONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with