Bakbakan na sa PSC-Pacquiao Cup
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahan ang mainit na bakbakan mula sa kabuuang 42 mga batang boksingero na sasabak sa 2018 Philippine Sports Commission (PSC)-Manny Pacquiao Amateur Bo­xing Cup Visayas semifinal round ngayong araw sa East Awang Covered Court sa Barangay Bagacay sa Calbayog City.

Pag-aagawan ng mga promising boxers ang mahigit 21 slots para sa national preliminaries na gaganapin sa Mandalu­yong City sa buwan ng Hunyo 2-3.

Ang mga nasabing boksingero ay ang mga nagsipagwagi mula sa isi­nagawang Visayas preliminaries na ginanap sa Bago City at quarterfinal round na ginanap sa Naga City, Cebu noong nakaraang buwan.

Kabilang sa mga lalahok ay sina Tricia Marie Llamas (Cebu)  kontra Jilyn dela Cruz (LSA) habang naka-bye si Jeyann Medriano (Talisay) sa junior girls pinweight (44-46-kgs) category.

Sa Junior Boys Pinweight (44-46kg) ay sina Kane Paul Redondo (Neg. Occidental) at Kim Catedrilla (SBC) at Rodel Gamo (Bago) at Armand Jake Aragon (Murcia) habang magtatapat sa Junior Boys Light Flyweight (48kg.) sina Eduardo Jimenez (Cebu) at  Eduardo Luceno Jr. (Escalante) at Samuel Manale (Bago) at  Johncy Dolorosa (Victorias).

Sa ibang laban, magpapalitan ng suntok sa Junior Boys Flyweight (50kg.) sina Gaudfrey Lubiano (Omega) at Christian Lanchica (Victorias) at Joshua Belicena (Bago) at Nixon Anito (Sipalay) habang sa Junior Boys Light Bantamweight (52kg.) sina Jorin Varona (La Carlota) at Jowil Saludo (Victorias) at ang pares nina Flint Jara (Bago) Jonimel John Dajao (Murcia).

Mainit din ang pagtatagpo sa Junior Boys Bantamweight (54kg.) nina Sugar Ray Montales (Bago) at James Bryan Wild (Omega) at sina Iann Lloyd Gesalan (Maasin)  at  Arby Jay Bernil (Murcia).

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with