Pacquiao-Matthysse sa Malaysia hindi pa sigurado – Arum
(Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2018 - 12:08pm

MANILA, Philippines – Taliwas sa inihayag ni Manny Pacquiao, hindi pa kasado ang laban ng eight division champion kay WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia, ayon kay Top Rank chief Bob Arum.

Sinabi ni Arum na wala pang nalilikom na pondo ang Malaysian investors para sa laban ni Pacquiao.

“They’re [Pacquiao camp] hoping to do a deal in Malaysia. I haven’t been handling that deal. They’ve been handling that deal themselves. Hopefully the money, in the form of a deposit, turns up,” paglilinaw ni Arum kay Keith Idec ng boxingscene.com.

“The Malaysia part is up in the air. I don’t know these Malaysian people. If they put up the money, it’ll happen, happily. But do I know whether the money will be put up? No, I don’t. It’s as simple as that,” dagdag niya.

Inihayag kagabi ni Pacquiao ang muling pagbabalik sa ring sa Marso 22 sa Kuala Lumpur, kung saan magkakaroon din ng press tours sa Beijing, Tokyo, Macau at Hong Kong.

Sisimulan na rin aniya ang pagsasanay sa Abril.

“Matthysse is one of the guys that Manny is thinking about fighting. There are others. For example, if Jose Ramirez wins the 140-pound title Manny might fight him for that title. That part is up in the air,” patuloy ni Arum.

Nilinaw ng kampo ni Pacquiao na wala na silang atraso kay Arum dahil tanging rematch na lamang kay Jeff Horn ang nasa kontrata niya.

Sinabi ni Pacquiao na kasama ng kaniyang MP Promotions ang Golden Promotions ni Oscar dela Hoya.

Tila ayaw pa namang bitawan ni Arum si Pacquiao.

“Manny wants to be the promoter in Malaysia. We would handle the logistics there for them and we would handle worldwide television.”

BOXING MANNY PACQUIAO TOP RANK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with