^

PSN Palaro

Pacquiao kursunada si Lomachenko

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para sa kanyang come­back fight ay gusto ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na sumagupa sa isang matinding boksingero.

At ang tinutukoy ni Pac­quiao ay si 'pound-for-pound' king Vasyl Lo­machenko ng Ukraine.

“I'm not retired yet,” sabi kahapon ni Pacquiao sa panayam sa "Headstart" ng ANC. “Nami-miss ko 'yung boxing eh.”

Balak ng 39-anyos na si Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) na sagupain ang 29-anyos na si Lomachenko (11-1-0, 11 KOs) sa Abril kung saan nasa break ang Senado.

“Ang pangako ko sa mga tao, hindi maaapektuhan ang trabaho ko. 'Yung April, magandang idea dahil off kami ng March 23 to May 13. So April, wala kaming trabaho,” ani Pacquiao.

Si Lomachenko, kumuha ng gintong medalya sa Olympic Games no­ong 2008 at 2012, ang kasalukuyang World Bo­xing Organization super f­eatherweight titlist.

“There are still talks on the weight, reducing the weight,” wika ni Pacquiao sa kanyang pagsagupa sa Ukranian superstar.

Huling napanood sa aksyon si Pacquiao noong Hulyo 2 kung saan siya natalo kay Jeff Horn via unanimous decision at naisuko ang hawak na WBO welterweight crown sa Brisbane, Australia.

Sa kabila ng pagkakaroon ng rematch clause sa kanilang kontrata ay hindi ito ginamit ni Pacquiao para mabawi ang kanyang korona kay Horn dahil sa kanyang pagiging abala sa Senado.

Plano din ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ilaban si 'Pacman' sa Abril. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with