^

PSN Palaro

Paghihintay ni Biado nagbunga na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Paghihintay ni Biado nagbunga na

Ipinakikita ni Carlo Biado ang kanyang tropeo at medalya na napagwagian sa Qatar 9-Ball tourney.

MANILA, Philippines — May 12 taon ding naghintay si Carlo Biado bago makamit ang inaasam na tagumpay.

Makailang ulit itong nabigo ngunit hindi sumuko si Biado dahil naniniwala ito na may mga bagay na ibinibigay sa tamang panahon.

At ito ang tamang panalo para sa kanya.

Matagumpay na inangkin ni Biado ang prestihiyosong korona ng World 9-Ball Championship sa Doha, Qatar.

“I’m very very happy right now. It’s been a long time. I worked very hard, had many disappointments. And now finally I won the world title,” wika ni Biado.

Tinalo ni Biado ang kababayang si Roland Garcia sa finals sa bendisyon ng impresibong 13-5 desisyon.

“There was less pressure in the final because even if I don’t win, at least a Filipino will get the title. I was very comfortable that’s why I played well. Also the balls were always in an easy position after the break,” wika pa ni Biado.

Maihahanay na ni Biado ang kanyang sarili sa lista­han ng pinakamahuhusay na cue masters sa mundo gaya nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante.

Ito ang ikalawang major title ni Biado sa taong ito.

Nasungkit din ni Biado ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa World Games na ginanap sa Wroclaw, Poland.

Bago matapos ang taon, binigyan ni Biado na magdiwang ang buong sambayanan nang maibalik nito ang korona ng World 9-Ball sa Pilipinas.

Huling nagkampeon ang Pinoy artist sa World 9-Ball noon pang 2010 nang pagharian ni Bustamante ang torneo sa parehong venue.

Kaya naman isang malaking regalo ang hatid ni Biado hindi lamang para sa kanyang sarili kundi maging para sa milyun-milyong Pilipino na tumutok sa kanyang tagumpay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with