^

PSN Palaro

Pinoy tankers sisimulan na ang pagsisid sa SEAG gold

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang national swimming team na muling ibalik ang ningning ng Pilipinas sa pagsisimula ng swimming competition ngayong araw sa 2017 Southeast Asian Games sa National Aquatic Centre na nasa loob ng KL Sports City complex sa Bukit Jalil sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sariwa sa pagsasanay sa Italy, sisimulan ni two-time Olympian Jessie Lacuna ang ratsada ng Pinoy tankers sa alas-9:30 ng umaga sa pagsalang nito sa men’s 400m freestyle event – ang parehong event kung saan ito nakapilak sa  Singapore SEA Games noong 2015.

Sa alas-9:40 ng umaga, sasabak naman sa women’s 100m backstroke heats sina 2014 Nanjing Games Youth Olympic Games veteran Roxanne Yu at Filipino-Ame­rican Nicole Oliva na umani ng pitong gintong medalya sa national swimming championships noong Hunyo.

Anim na gintong medalya ang paglalabanan nga­yong araw kung saan lahat ng finals ay magsisimula sa alas-7 ng gabi.

Aariba rin si Olympian Jasmine Alkhaldi na kumana ng anim na tanso sa Singapore Games.

Naging kontrobersyal si Alkhaldi noong 2013 Myanmar Games kung saan binawi sa kanya ang gintong medalya sa 100m freestyle dahil sa false start ni Thailand bet Natthanan Jungkarajang.

Sa re-swim, nagkasya lamang sa tanso si Alkhaldi.

Magtatangka naman sa gintong medalya si Fil-Am newcomer James Deiparine na may national record na 28.13 segundo at 1:02.00 sa men’s 50m beaststroke at 100m breaststroke, ayon sa pagkakasunod.

“It is an honor for me to see action in the SEAG,” ani Deiparine na ang ina ay tubong Angeles City, Pampanga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with