^

PSN Palaro

Beermen inilayo ang serye sa 2-1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen inilayo ang serye sa 2-1

Nakipag-unahan si Beermen import Charles Rhodes sa rebounds laban kina Texters’ RR Pogoy at import Joshua Smith sa Game 3 ng PBA Finals. MDG

MANILA, Philippines - Kagaya sa Game Two, ang mga local players din ang nagdala sa Beermen sa panalo.

Nagtuwang sina Arwind Santos, Alex Cabagnot at Chris Ross sa fourth quarter para akayin ang San Miguel sa 109-97 panalo laban sa TNT Katropa sa Game Three ng 2017 PBA Commissioner’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Beermen para kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Tropang Texters.

Nauna nang itinakas ng TNT Katropa ang 104-102 panalo sa Game One, habang nakatabla naman ang San Miguel sa Game Two, 102-88.

Kumpara sa Game Two kung saan kaagad kinuha ng Tropang Texters ang 17-0 abante, na­ging dikitan ang kanilang first half ng Beermen na tinampukan ng pagtawag kay Ross ng flagrant foul penalty 1 dahil sa pagpatid kay Ryan Reyes sa 2:49 minuto ng second period.

Mula sa 46-47 agwat sa halftime ay naghulog ang San Miguel ng 16-5 bomba para iposte ang 10-point lead, 62-52 laban sa TNT Katropa sa gitna ng third quarter patungo sa pagtangay sa 79-72 abante sa pagtatapos nito.

Muling itinayo ng Beermen ang 10-point advantage, 88-78 galing sa basket ni import Charles Rhodes sa 9:30 minuto sa final canto, habang nakadikit naman ang Tropang Texters sa 85-92 sa huling 5:48 minuto nito.

Ang dalawang free throws ni Ross at jump shot ni Santos ang nagbigay sa San Miguel, nasa kanilang ika-38 finals stint at target ang pang-24 korona, ng 96-85 kalamangan sa 5:09 minuto ng laban na hindi na binitiwan tungo sa kanilang panalo.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with