Beermen bumawi
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines - Mas matapang ang in­ilabas na laro ng nagdedepensang San Miguel Beer nang ikampay nito ang 99-88 panalo laban sa Barangay Ginebra upang makuha ang 2-1 bentahe sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven championship series kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Tumagay si Chris Ross ng 24 puntos at apat na rebounds habang halimaw din ang inilatag na laro ni reigning MVP June Mar Fajardo na bumanat ng double-double na 17 puntos, 18 boards at tatlong blocks.

“Importante itong game na ito dahil dalawang panalo na lang champion na. Pero hindi ganun kadali yun. Hirap na hirap kami maka-score. Credits sa teammates ko grabe yung ipinakita nilang laro,” wika ng 6-foot-10 na si Fajardo.

Nauna nang itinarak ng Beermen ang 109-82 demolisyon sa Game 1 bago naitabla ng Gin Kings ang serye matapos ilista ang 124-118 overtime win sa Game 2.

Nanguna para sa Gin Kings si LA Tenorio na gumawa ng 16 puntos habang may 15 naman si rookie Kevin Ferrer at  tig-12  sina Chris Ellis at Japeth Aguilar.

Samantala, muling kinu­ha ng Gin Kings si Justin Brownlee bilang import sa Commissioner’s Cup at Governors’ Cup upang higit na palakasin ang crowd-favorite team.

Magbabalik-aksiyon na si 7-foot-1 center Greg Slaughter upang makatuwang ang 6-foot-5 na si Brownlee na siyang tumu­long upang masungkit ng Ginebra ang titulo sa Governor’s Cup noong nakaraang taon.

Magsisilbing imports naman sa Commissioner’s Cup sina dating Detroit Piston Tony Mitchel para sa Star Hotshots, dating Best Import awardee Denzel Bowles para sa Talk ’N Text KaTropa,  Alex Stepheson para sa Meralco Bolts, Wayne Chism para sa NLEX Road Warriors at Jarrid Famous para sa Phoenix Petroleum.

PBA
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with