^

PSN Palaro

Teng bumida sa buwenamano ng Titans

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagparamdam agad ng lakas si Jeron Teng nang magpasabog ito ng 42 puntos upang dalhin ang AMA Online Education sa 101-95 panalo laban sa Batangas kahapon sa pagsisimula ng 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagrehistro si Teng ng 12-of-27 field goal shoo­ting kasama pa ang limang rebounds at limang assists para sa Titans na nakuha ang maagang 1-0 pamumuno.

“Sa kanya nagsisimula yung fire ng team at importante yung leadership niya sa loob,” wika ni AMA head coach Mark Herrera.

Ang produksiyon ng dating De La Salle University standout ang ikalawang pinakamalaking puntos sa liga sa likod ng rekord na 58 puntos ni James Martinez na naitala noong nakaraang season.

Nakadikit ang Batangas sa 70-73 subalit rumatsada si Teng nang kumana ito ng pitong sunud-sunod na puntos upang pigilan ng Titans ang pagtatangka ng kanilang karibal.

Nakatuwang ni Teng si dating Ateneo Blue Eagles player Juami Tiongson na bumato ng 15 puntos tampok ang 11 sa huling anim na minuto ng laro.

Nagdagdag naman si Ryan Arambulo ng 13 points at apat na boards samantalang umariba ng husto si Jay-R Taganas sa shaded area nanghumatak ito ng 18 rebounds kalakip ang anim na puntos.

Umasa ang Batangas kay Joseph Sedurifa na nagsumite ng 25 points, limang rebounds at anim na assists gayundin kay Don Carlo Fortu na may 6-of-12 sa three-point area para sa 18 markers. (CCo)

vuukle comment

JERON TENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with