^

PSN Palaro

Puwesto sa Ronda Pilipinas pakay ng Pagnanawon siblings

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Papagitna ang tatlong anak ni dating Tour champion Rolando Pagnanawon sa hanay ng mga umaasang makakasama sa LBC Ronda Pilipinas 2017 edition sa pagpadyak ng ikalawa at huling quali­fying races sa Bacolod City, Negros Occidental.

Babanderahan ni Jaybop Pagnanawon, anak ng nagkampeon sa Marlboro Tour noong 1986, ang kanyang dalawang kapatid na sina Jhundie at Jetley para sa hangaring makabilang sa 30-man qualifier na isasama sa 90 sa main race ng LBC Ronda Pilipinas na nakatakda sa Pebrero 4 hanggang Marso 4 ng 2017.

Magbabalik ang 27-an­yos na si Pagnanawon, ka­katawan sa Team Pagay Construction, matapos mabigong makasama sa listahan noong nakaraang taon.

Si Pagnanawon ang nanguna sa una sa two-stage Visayas qualifier noong 2015 matapos u­ngusan sina dating Ronda winner Irish Valenzuela at Balir Ravina.

Subalit nagkaroon siya ng mechanical problems sa final stage na naghulog sa kanya para sa main race.

Umaasa si Pagnanawon at kanyang dalawang kapatid na makakasama sa main race ng pinakamalaking cycling race na naglalatag ng premyong P1 milyon mula sa presentor na LBC at mga major sponsors na Mitsubishi, Petron, ASG Group, Dans360 at Donen at may basbas ng PhlCycling sa ilalim ng presidente nitong si Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Hangad naman ni Go for Gold bet George Luis Oconer, nanguna sa unang qualifying race sa Subic Bay noong Nobyembre, na mawalis ang qualifying patungo sa main race ng annual race.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with