Chiz sa PAGCOR: Ibigay ang nararapat sa PSC
MANILA, Philippines - Nararapat lamang na makuha ng mga national athletes ang kanilang taunang bahagi sa kinikita ng Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ito ang ipinaglalaban ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, ang vice presidential candidate ni independent presidential bet Grace Poe para sa Mayo 9 National Elections.
Ang nasabing five percent remittance mula sa PAGCOR ay dapat naideretso para sa pagsasanay at partisipasyon ng mga atleta sa regional at international events.
Ngunit sa halip na 5 percent ng kanilang gross income ay 2.3 percent lamang ang ibinibigay ng PAGCOR sa Philippine Sports Commission simula noong 1993.
Dati nang ibinunyag ni Escudero ang isyu at hiniling sa PAGCOR na ibigay ang kabuuang 5 percent sa PSC.
Kamakailan ay hiningan ni Cong. Yeng Guiao ng Pampanga ang tulong ang Supreme Court para linawin ang batas at ipag-utos sa PAGCOR at sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na mag-remit ng kanilang full shares sa PSC na nakasaad sa Section 26 of Republic Act 6847 ng Philippine Sports Commission Act of 1990 na nagsasabing ang five percent ng gross income ng PAGCOR “shall be automatically and directly remitted to the PSC” while the PCSO is supposed to remit 30 percent of its income from six sweepstakes or lottery draws annually to the PSC.
Sa kaso ng PAGCOR, ayon kay Escudero, ang kanilang remittance ay maaaring kulang ng 2.7 percent bawat buwan dahil sa recomputation ng kanilang budget pie kung saan ang five percent ay para sa pagbabayad ng buwis, ang 45 percent ay para sa kanilang operational budget at pondo para sa advocacies at projects, habang ang natitirang 50 percent ay diretso sa social fund ni P-NOY.
- Latest