^

PSN Palaro

Pinoy tracksters kumana pa ng 5 ginto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humakot pa ng limang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso ang Pilipinas sa ikalawang araw ng kumpetisyon sa 19th Asian Masters Athletics Championships na gina­ganap sa National Stadium sa Kallang, Singapore.

Muling umariba ang beteranang si Erlinda Lavandia nang angkinin nito ang gintong medalya sa women’s shot put (60-64) event kung saan bumanat ito ng 8.10 metro upang patumbahin sina silver medalist Narantsetseg Galsandoj ng Mongolia (7.51m) at bronze medalist Manjit Kaur ng India (7.42m).

Ito ang ikalawang gintong medalya ni Lavandia sa torneo matapos pagreynahan ang javelin throw sa unang araw ng kumpetisyon.

Nagkasya naman sa pilak na medalya si Lavandia sa hammer throw event sa nakayanan nitong 22.68m.

Nakabawi si Galsandoj na siyang umangkin sa gintong medalya tangan ang nailistang 24.20m habang pumangatlo si Talluri Rhukmani Devi ng India na may 21.41m

Gaya ng inaasahan, naibulsa ni dating Asian Championships gold medalist Marestella Torres ang gintong medalya sa women’s long jump (35-39) sa bisa ng 6.41m upang ilampaso ang kanyang mga karibal na sina Kamijo Wakako ng Japan (4.78m) at Rachna Sharma ng India (4.58m).

Dinomina naman nina Eduardo Buenavista at Julius Sermona ang men’s 10,000m run (35-39) matapos kumpletuhin ang 1-2 finish.

Naorasan si Buenavista ng 34 minuto at 38.46 segundo upang makuha ang unang puwesto habang pumangalawa si Sermona na nagtala ng 35:53.86. Pumangatlo si Ang Chee Yong ng Singapore na may 38:41.66.

Nag-ambag ng gintong medalya sina Danilo Fresnido sa men’s javelin throw 40-44 (63.45m) at Joebert Delicano sa men’s triple jump 35-39 (14.03m) habang ang iba pang pilak ay mula kay Ma. Jeanette Obiena (women’s short hurdles 45-49).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with