^

PSN Palaro

Spurs ibinalik sa porma ni Aldridge

Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO--Hu­makot si LaMarcus  Aldridge ng 25 points at 10 rebounds at nakabangon ang Spurs mula sa kanilang naunang nakakadismayang pagkatalo para ta­lunin ang Houston Rockets, 130-99.

Ito ang ika-25 sunod na home win ng San Antonio (39-7) ngayong season.

Sa naturang 30-point loss sa Golden State Warriors ay nalimitahan si Aldridge sa 5 points at 3 rebounds.

Kumolekta ang San Antonio ng 32 assists para pigilin ang three-game winning streak ng Houston.

Nagdagdag sina forward Kawhi Leonard at guard Danny Green ng tig-18 points, samantalang si guard Tony Parker ay may 15 points at 7 assists.

Sa Cleveland, kuma­mada si LeBron James ng 21 points bago ipahinga sa fourth quarter, habang humakot si Kevin Love ng 21 points at 11 rebounds para pamunuan ang Cavaliers sa 115-93 panalo sa Phoenix Suns.

Malamya ang ipinakita  sa unang 24 minuto, binuksan ng Cavs ang second half mula sa isang 12-0 run at ipinalasap sa Suns ang pang-17 kabiguan nito sa huling 19 games.

Itinaas ng Cleveland sa 2-1 ang kanilang record sa ilalim ng bagong coach na si Tyronn Lue, pinalitan si David Blatt noong nakaraang linggo.

Dahil sa panalo ay kakatawanin ni Lue at ng Cavs coaching staff ang Eastern Conference sa All-Star Game sa Feb. 14 sa Toronto.

Sa Atlanta, umiskor si Jamal Crawford ng 21 points at muling nanalo ang Los Angeles Clippers nang wala si Blake Griffin sa 85-83 pagtakas sa Hawks.

Nakuha ng Clippers ang kanilang ika-14 panalo sa huling 17 games.

ACIRC

ALDRIDGE

ALL-STAR GAME

ANG

BLAKE GRIFFIN

DANNY GREEN

DAVID BLATT

EASTERN CONFERENCE

GOLDEN STATE WARRIORS

HOUSTON ROCKETS

SAN ANTONIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with