Kobe Bryant magreretiro na
November 29, 2015 | 6:27pm
MANILA, Philippines -- Handa nang magretiro si LA Lakers superstar Kobe Bryant sa NBA, 20 taon mula nang pasukin niya ang liga.
Sa isang tula na lumabas sa The Players' Tribune ay inanunsyo niya na tatapusin na lamang niya ang 2015-2016 season.
“This season is all I have left to give," pahayag ng 2008 MVP.
Inilarawan niya kung paano niya minahal ang basketball mula nang siya ay anim na taong gulang at hanggang sa ngayo'y iiwanan na niya ito.
"From the moment I started rolling my dad’s tube socks and shooting imaginary game-winning shots in the Great Western Forum I knew one thing was real: I fell in love with you. A love so deep I gave you my all — from my mind & body to my spirit & soul," banggit ni Bryant na mula nang high school ay dumiretso na agad sa NBA.
Sa kaniyang karera ay nakakuha si Bryant ng limang kampeonato, dalawang Olympic gold medal, 17 All-Star selections.
Hindi rin makakalimutan ang kaniyang 81-point game na pangalawa sa kasaysayan ng liga.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay unti-unti ring humihina ang kaniyang katawan sa kabila ng kaniyang kagustuhang magpatuloy, at naintindihan ito ni Bryant.
"My heart can take the pounding, my mind can handle the grind, but my body knows it’s time to say goodbye."
Sa ngayon ay 67 laro na lamang ang nasa schedule ng Lakers at kung hindi sila makapasok sa playoffs ay hanggang doon na lamang siya.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
x
- Latest
Latest
Latest
Recommended
June 2, 2024 - 12:00am