^

PSN Palaro

PSL Grand Prix Petron, Foton maghihiwalay ng landas

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(La Salle, Lipa, Batangas)

1 p.m.  Petron vs Foton

3 p.m.  Meralco

vs RC Cola-Air Force

 

MANILA, Philippines – Magtatapat ang dalawang maiinit na koponan na Petron Lady Blaze Spi­kers at Foton Tornadoes na posibleng magpahigpit sa tagisan para sa u­nang dalawang puwesto sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament ngayon sa La Salle Lipa Sentrum sa Lipa City, Batangas.

May apat na sunod na panalo ang Petron habang lima ang winning streak ng Foton kaya’t tiyak na magiging maalab ang bakbakan na magsisimula sa ganap na ala-1 ng hapon.

Ang ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon ay sa hanay ng mga pahinga ng koponan ng  Meralco Po­wer Spikers at RC Cola-Air Force Raiders at asahan ang pagsusumigasig ng Meralco upang makatikim ng panalo matapos ang walong sunod na pagkatalo.

May 6-2 karta ang Pet­ron at kailangan nila ang panalo para makatabla uli ang Philips Gold (7-2) sa liderato habang ang Foton na katabla ang pahingang Cignal HD Lady Spikers sa 6-3 baraha, ay makakasalo sa ikalawang puwesto kung sila ang palarin.

Yumuko ang Torna­does sa Lady Blaze Spi­kers sa limang set sa unang pagkikita pero iba na ang larong nakikita sa koponan para ipalagay na mas magiging palaban sa larong inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo at may ayuda ng Mikasa, Mueller at Senoh bukod sa ipinalalabas sa TV5.

ACIRC

ANG

BATANGAS

COLA-AIR FORCE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

FOTON

FOTON TORNADOES

GRAND PRIX

LA SALLE

LA SALLE LIPA SENTRUM

LADY BLAZE SPI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with