Philips pinatibay pa ang kapit sa no. 1 spot
Laro Bukas (La Salle, Lipa, Batangas)
1 p.m. Petron vs Foton
3 p.m. Meralco vs RC Cola-Air Force
MANILA, Philippines – Hindi binigyan ng anumang pagkakataon ng Philips Gold Lady Slammers ang Cignal HD Lady Spikers na makuha ang laro sa inangking 25-22, 25-14, 25-23 straight sets panalo sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Naunang nakita ang mabangis na pag-atake ng Lady Slammers sa unang dalawang sets sa kinamadang tig-19 kills bago kinapitan ang depensa sa ikatlong sets para sa magandang panalo.
“We knew it’s going to be tough game now that it’s in the second round. We just have to take it as it comes, point by point. You’ll never know what will happen and you just have to keep fighting,” wika ni Bojana Todorovic na tumapos taglay ang 18 attacks at isang ace.
Ito na ang ikapitong panalo sa siyam na laro ng Philips Gold para lumapit sa isang panalo upang hawakan ang number one spot sa ligang inorganisa ng SportsCore na handog ng Asics at Milo at suportado ng Mikasa, Mueller at Senoh na ipinalalabas sa TV5.
Ang matibay na depensa ay lumabas sa second set nang limitahan lamang nila sa tatlong attack points ang Cignal para umalagwa sa 2-0.
Sa third set ay nakauna ang Cignal pero hindi nagpabaya ang Philips Gold at ang magkasunod na atake ni Mypa Pablo ang nagbigay ng 23-21 abante.
Matinding kill galing kay Alexis Olgard ang nagtulak sa Lady Slammers sa double matchpoint at kahit nabawi ng Cignal ang isang puntos, natapos ang laro nang nag-agawan sa bola sina Michelle Laborte at Cherry Vivas para sa error.
- Latest