^

PSN Palaro

Ika-129th Masters title pinagulong ni Paeng

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling umalingawngaw ang pangalan ni Paeng Nepomuceno nang talunin niya ang mga mas batang katunggali para pangunahan ang 6th SCTBA (Summer Capital Bowling Association) Prima Pasta Eye Bowl for a Cause Cham­pionships noong Linggo sa Playdium Center sa Quezon City.

Tinalo ng 58-anyos natatanging four-time champion sa Bowling World Cup si Kenneth Chua, 2-0 (236-221, 217-199), para sa kanyang ika-129th Master title.

“I’m happy to have been able to hold my own against Philippine team members who are half my age,” pagmamalaki ni Nepomuceno.

Pumangalawa si Nepomuceno sa 36 manlalaro sa 10-game masters elimination tangan ang 2384 pinfalls at kapos ng 49 pins sa nangunang si Chua (2433).

Nakuha ni Nepomuceno ang karapatang labanan si Chua nang daigin si Paulo Darroca sa one-game shootout, 224-216.

Sina Chua at Darroca ay mga kasapi ng national team members tulad din nina Kevin Cu at Jeff Carabeo na nalagay sa ikaapat at limang puwesto, ayon sa pagkakasunod.

BOWLING WORLD CUP

CAUSE CHAM

CHUA

JEFF CARABEO

KENNETH CHUA

KEVIN CU

NEPOMUCENO

PAENG NEPOMUCENO

PAULO DARROCA

PLAYDIUM CENTER

PRIMA PASTA EYE BOWL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with