^

PSN Palaro

NBA holiday marathon ipapalabas sa ABS-CBN Sports+Action

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyan ng ABS-CBN Sports + Action at ABS-CBN Channel 2 ng magandang aginaldo ang mga panatiko ng NBA dahil sa tuluy-tuloy na palabas ng mga NBA games simula ngayon.

Libreng mapapanood ng mga NBA fans ang kanilang paboritong koponan hanggang Enero 5 o 17 araw na puno ng makapigil hiningang aksyon sa dalawang nabanggit na istasyon.

 Ipapalabas sa tatlong magkasunod na Sabado,  alas-10 ng umaga sa ABS-CBN Channel 2 ang inaabangang bakbakan ng Chicago Bulls at Memphis Grizzlies sa Disyembre 20 na susundan ng labanan ng San Antonio Spurs at New Orleans Pelicans sa Disyembre 27 at ng salpukan ng Washington Wizards at Oklahoma City Thunder sa Enero 3, 2015.

Ipapalabas naman ng live sa Bisperas ng Pasko (Disyembre 24) ang inaabangang laban ng Golden State Warriors at LA Lakers alas-11:30am sa ABS-CBN Sports + Action. Isang araw matapos ang Pasko, matutunghayan rin ng NBA fans ang inaabangang Cleveland Cavaliers-Miami Heat game sa ABS-CBN Sports + Action ng live, alas-6 ng umaga. Ito ang una sa apat na regular season meetings ng dalawang koponan. Ang Cleveland-Miami na labanan sa Disyembre 26 (Biyernes).

Magandang salubong rin sa bagong taon ang back-to-back live airing sa ABS-CBN Sports + Action ng showdown ng Cleveland Cavaliers at Atlanta Hawks sa Disyembre 31 (Miyerkules) alas-8:30 am na susundan ng kaabang-abang na tagisan ng galing ng Pelicans at Spurs sa Enero 1 (Huwebes), alas-8 ng umaga.

 

vuukle comment

ANG CLEVELAND-MIAMI

ATLANTA HAWKS

CHICAGO BULLS

CLEVELAND CAVALIERS

CLEVELAND CAVALIERS-MIAMI HEAT

DISYEMBRE

ENERO

GOLDEN STATE WARRIORS

IPAPALABAS

SPORTS + ACTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with