^

PSN Palaro

Altas umiskor sa Bombers; Chiefs tinakasan ang Cardinals

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tulad  ng kanilang wo­men’s team, walang naging problema ang Perpetual Help Altas sa pagsungkit sa kanilang unang panalo sa 90th NCAA men’s volleyball sa itinalang 25-19, 25-14, 25-20, panalo sa Jose Rizal Heavy Bombers kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Neil Barry Ytorzaita at Rey Taneo ay may 16 at 11 hits habang may 16 excellent sets ang setter na si Warren Catipay upang mangailangan lamang ang Altas ng 58 minuto para dispatsahin ang JRU.

May 10 kills, 3 blocks at 3 aces si Ytorzaita para sa magandang panimula sa puntiryang ikalimang sunod na titulo ng Perpetual sa liga.

Si Peter Enanod ay may siyam na puntos para pa­munuan ang Heavy Bom­bers.

Dumaan naman sa fifth set ang labanan ng Arellano Chiefs at Mapua Cardinals bago naitakas ng una ang 23-25, 27-25, 25-16, 23-25, 15-11, habang nanalo rin ang St. Benilde Blazers sa Letran Knights, 25-13, 25-19, 25-20, sa isa pang laro.

Dominado ng Cardinals ang attacks, 50-49, blocks, 14-9, at serve, 4-2, pero nagtala sila ng nakakalulang 53 errors na sumira sa asam na panalo.

May15 hits si Johnvic De Guzman at tig-12 ang ibinigay nina Marjun Ali­ngasa at Ron Julian Jordan para sa Blazers na iniangkla ang panalo sa galing sa attacks, 42-26 at blocks, 12-2.

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

HEAVY BOM

JOHNVIC DE GUZMAN

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MAPUA CARDINALS

MARJUN ALI

PERPETUAL HELP ALTAS

REY TANEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with