Baloria nanguna sa first round
MANILA, Philippines - Nakitang muli ang bangis sa pagpuntos ni Perpetual Help Altas guard Juneric Baloria matapos ang first round sa 90th NCAA men’s basketball.
Gumawa si Baloria ng 22.22 points per game average matapos ang siyam na laro para manaig sa tagisan nila ng scorer ng Jose Rizal Heavy Bombers na si Philip Paniamogan na may 18 points average.
Si Earl Scottie Thompson ay nasa ikaapat sa 17.33 puntos, habang si Harold Arboleda ay naghahatid ng 14.11 puntos para sa ika-walong puwesto.
Si Thompson, gumawa ng kauna-unang triple-double sa season na 15 points, 13 rebounds at 12 assists sa 73-65 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals, ang all-around player ng Altas sa ibinibigay na 11 boards (5th), 5.56 assists (2nd) at 2.11 steals (2nd).
Nagpasikat din si Jiovani Jalalon ng Arellano Chiefs dahil una siya sa assists (6.00) at steals (3.00), habang ang mga imports na sina Noube Happi (12.56) at Ola Adeogun (2.25) ang nagdodomina sa rebounding at blocks.
Samantala, kinilala si Paniamogan bilang NCAA Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week matapos ang kahanga-hangang laro para sa panalo ng Heavy Bombers.
- Latest