^

PSN Palaro

4-0 sweep itinarak ng PhilHealth

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagising sa ikaapat na yugto ang PhilHealth para kunin ang 81-75 panalo sa House of Representatives at makumpleto ang 4-0 sweep sa Group B sa UNTV Cup Season 2 noong Linggo sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Nagtulungan sina Jesson Alfeche, Alex Noriega at Ramil Tagupa sa yugtong ito para manalo ang PhilHealth kahit nakaba­ngon ang HOR mula sa naunang 16 puntos na kalamangan ng una.

Si Arnold Gamboa ay gumawa ng 21 puntos at walong rebounds para sa HOR na nalaglag sa ikatlong sunod na pagkatalo.

Sinelyuhan ng Philippine National Police (PNP) ang ikalawang puwesto sa Group B sa pamamagitan ng 93-53 pagdurog sa Se­nate habang tinapos ng Local Government Units ang kampanya ng Department of Justice sa Group A sa 102-69 paglampaso sa iba pang mga laro.

May 24 puntos bukod sa tig-limang rebounds at steals si Francis Adriano para pamunuan ang LGUs na itinabla rin ang  karta sa 2-2.

Naghatid si Ian Garrido ng 36 puntos at 17 boards pero hindi sapat ito para pigilan ang paglasap ng Avengers ng ikaapat na sunod na talo at pormal na ma­ma­alam na. 

 

vuukle comment

ALEX NORIEGA

CUP SEASON

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANCIS ADRIANO

GROUP A

GROUP B

HOUSE OF REPRESENTATIVES

IAN GARRIDO

JESSON ALFECHE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with