_ngayon
^

PSN Palaro

Sa World Cup of Pool: Orcollo, Corteza paborito

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi malayong lumutang uli ang husay ng Filipino cue-artist sa idaraos na World Cup of Pool sa York Hall, London mula Setyembre 17 hanggang 22.

Ito na ang ika-walong edisyon ng kompetisyong binigyan ng buhay noong 2006 sa Wales at nagkampeon na ang Pilipinas ng dalawang beses noong 2006 at 2009 sa katauhan nina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.

Hindi kasali sina Re­yes at Bus­tamante sa pagkakataong ito dahil ang Pilipinas ay kakatawanin nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza.

Ikalawang sunod na taon na magpapares sina Orcollo at Corteza sa kompetisyon at sila ang itinatalagang paborito na magkampeon base sa ka­nilang number two at three ranking sa mundo.

Sa panayam ng AZ BIlliards sa dalawang manlalaro ay may kumpiyansa sila sa tsansang madomina ang torneo kahit ang unang samahan noong 2012 ay nakitaan ng pagkatalo agad sa first round.

Tumataginting na $60,­000.00 ang premyong ma­papanalunan ng hihiranging kampeon at ang unang kalaban ng Pilipinas ay ang Croatia sa Setyembre 17.

Samantala, handa na rin ang lahat para sa Yalin Women’s World 10-Ball Championship na gagawin sa Resorts World Manila mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4.

“The Yalin Women’s World 10-Ball Cham­pionship is where Jasmin Ous­chan, Rubilen Amit and Kelly Fisher turned into World Champions. We have the best format in the toughest game in a fair and neutral environment. We host it in the Philippines where pool is a sport and every player is treated like a star,” wika ni Charlie Williams ng Dragon Promotion na siyang nagpapalaro.

 

BALL CHAM BALL CHAMPIONSHIP CHARLIE WILLIAMS DENNIS ORCOLLO DRAGON PROMOTION JASMIN OUS LEE VANN CORTEZA PILIPINAS YALIN WOMEN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with