Bernabe na-injured, laban ‘di na tuloy
MANILA, Philippines - Hindi matutuloy ang pagÂsampa uli sa ring ni daÂting world title challenger Bernabe Concepcion sa Hulyo 27 sa Barangay San Dionisio Covered Court sa Parañaque City.
Ang paboksing na ito ay handog ni Anson Tiu Co at si Concepcion ay dapat mapapalaban kay WBC Asian Boxing Council super bantamweight champion Richard Betos sa isang 10-rounder pero kanselado na ito matapos magkaroon ng injury ang 25-anyos na boxer.
Nasaktan ang kanang balikat ni Concepcion habang nag-eensayo sa AlÂliance Boxing Club sa Pasay City para maunsiyami ang sana’y puntirya na ikatlong sunod na panalo matapos mabigo kay Mikey Garcia ng Puerto Rico para sa WBO-NABO featherweight title.
Ito rin sana ang ikalaÂwang sunod na laban ni Concepcion sa promotion ni Co, may-ari ng Shape-Up boxing gym sa Baguio City, at balak sana ng boksingero na dalawang beses na napalaban sa WBO featherweight title, ang masundan ang seventh round retired panalo na ipinoste kay Boido Simanjuntak ng Indonesia noong Abril 21 sa Muntinlupa Sports Complex.
Tuloy naman ang ibang nakatakdang laban at tampok na bakbakan ay sa hanay nina Jessabelle Pagaduan at Carleans Rivas para sa Philippine minimumweight title.
“Tumataas ang populaÂridad ng women’s boÂxing kaya’t ito ang sinisikap naÂming tulungan,†wika ni Co.
Si Eden Sonsona na naÂpalaban pero nabigong kunin ang WBO NABO super bantamweight title noong 2010, ay makakasukatan si Daniel Ferreras sa isa ring main event na inilagay sa 10-rounds.
- Latest