^

PSN Palaro

Balls i-eere ang UFC 155: Dos Santos kontra Velasquez 1

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wawakasan ng Ultimate Fighting Championship (UFC) ang 2012 sa pamamagitan ng isang mabigat na labanan ng dalawang heavyweight champs na sina Junior Dos Santos, ang kasalukuyang heavyweight champion, at si Cain Velasquez, ang inagawan ng korona.

Ipapalabas ang kaabang-abang na laban sa Balls ngayong Linggo (December 30), 11:30 a.m.

Sa kanilang pangala­wang paghaharap sa UFC 155, susubukan ni Velasquez, may record na 10-1 (MMA) at 8-1 (UFC), na ba­wiin ang kanyang titulo mula kay Dos Santos na may ipinagmamalaking record na 15-1 (MMA) at 9-0 (UFC).

Base sa mga talang ito, makikita na ang bigat ng kanilang salpukan na hindi dapat kaligtaan ng mga UFC enthusiast.

Ang iba pang fighters na maglalaban-laban sa ila­lim ng UFC 155 ay sina Joe Lauzon at Jim Miller, Tim Boetsch at Constantinos Philippou, Alan Belcher at Yushin Okami at marami pang iba.

Mapapanood ang palitan ng kamao ng mabibigat na UFC fighters sa Balls Channel (SkyCable Ch. 34) ngayong Linggo.

Palaging tumutok sa Balls at maging updated sa mga pinakabagong pangyayari sa mundo ng sports.

Ang Balls Channel ay available sa Sky Cable Platinum, Sky cable Gold, Sky Cable Silver at sa higit 200 quality cable operators sa bansa.

Para sa iba pang mga up­dates, bu­misita lang sa www.ballschannel.tv, i-like din ang official fan page sa Facebook na www.face­book.com/BallsChannel at sundan sa twitter @ballschannel.

 

vuukle comment

ALAN BELCHER

ANG BALLS CHANNEL

BALLS CHANNEL

CAIN VELASQUEZ

CONSTANTINOS PHILIPPOU

DOS SANTOS

JIM MILLER

JOE LAUZON

JUNIOR DOS SANTOS

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with