^

PSN Palaro

Crossovers pinisak ang Nxled Chameleons

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Crossovers pinisak ang Nxled Chameleons
Ang gigil na sundot ni Aby Maraño ng Chery Tiggo kontra kay Kirch Macaslang ng Nxled.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipinoste ng Chery Tiggo ang ikatlong dikit na pa­na­lo matapos patumbahin ang Nxled, 23-25, 25-23, 25-16, 25-20, sa 2024 PVL All-Filipino Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw si Mylene Paat ng 15 points mula sa 13 attacks, isang ace at isang block para sa 5-2 record ng Crossovers.

Nagdagdag si Eya Lau­re ng 12 markers, habang may 11 points si Ces Robles.

Kumolekta si Alina Bicar ng 17 excellent sets at 13 excellent digs.

Laglag ang baraha ng Chameleons sa 1-5 ba­ga­ma’t nakahugot kay Ivy Lacsina ng 20 points.

Matapos kunin ng Nxled ang first set, 25-23, ay winalis ng Chery Tiggo ang sumunod na tatlong sets.

Sa unang laro, pumalo si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 19 points mula sa 15 attacks, tatlong aces at isang block sa 25-11, 25-19, 25-14 demolisyon ng Petro Gazz sa Capital1 Solar Energy.

Pinaganda ng Gazz Angels ang kanilang baraha sa 5-2 at inihulog ang marka ng Solar Spikers sa 1-6.

Nagmula ang Petro Gazz sa isang five-set loss sa Chery Tiggo.

“It’s good to get a win coming off a loss, I’m really proud of my team for being able to bounce back the way we did,” wika ni Van Sickle.

Nag-ambag si Jonah Sa­bete na siyam na marka para sa Gazz Angels, habang may pito at anim na puntos sina Remy Palma at Iv Perez, ayon sa pagka­kasunod.

Umiskor si Des Cle­mente ng anim na puntos para pamunuan ang Solar Spikers.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang nagdedepen­sang Creamline (5-1) at Cig­nal HD (4-1) kagabi ha­bang isinusulat ito.

Magkakaroon ng break ang PVL All-Filipino Confe­rence para obserbahan ang Holy Week.

Magbabalik ang mga aksyon sa Abril 2 tampok ang banatan ng PLDT Home Fibr (5-1) at Akari (2-4) sa alas-4 ng hapon ka­sunod ang banggaan ng Choco Mucho (5-1) at Ga­leries Tower (2-4) sa alas-6 ng gabi sa Pasig City venue.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with